You may login with your

pushtor

My HIV and VDRL test Experience

Rate this Entry
Name:  c9.jpg
Views: 1006
Size:  19.2 KB

Western Visayas Medical Center
HACT (HIV AIDS Core Team)
Q. Abete Street, Mandurriao, Iloilo city


Republic Act 8504 AN ACT PROMULGATING POLICIES AND PRESCRIBING MEASURES FOR THE PREVENTION AND CONTROL OF HIV/AIDS IN THE PHILIPPINES, INSTITUTING A NATIONWIDE HIV/AIDS INFORMATION AND EDUCATIONAL PROGRAM, ESTABLISHING A COMPREHENSIVE HIV/AIDS MONITORING SYSTEM, STRENGTHENING THE PHILIPPINE NATIONAL AIDS COUNCIL, AND FOR OTHER PURPOSES.


HIV or Human Immune Virus is a dreaded virus. Malubhang sakit na magiging AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome. Lahat ay pwedeng maapektuhan, bata man o matanda. Kahit ang isang tao na mukhang healthy ay pwedeng HIV carrier na pala. Wala pa itong lunas kaya unti-unting pinapatay nito ang biktima. Maraming paraan na pwedeng mahawaan ang sinuman ng sakit na ito, pero marami rin na paraan para maiwasan.

My Experience:
Will, I was obliged to do this. May counseling pa na gagawin pero the test. Meron din na kaunting description ng sakit. Kwento muna tungkol sa kung paano nagkakahawaan ng sakit na ito. Ang nalaman ko ay hindi pala mabubuhay ang virus sa labas ng katawan ng tao ng kahit ilang segundo. Hindi rin ito nakukuha sa pakikipag halikan sa biktima ng HIV maliban nalang kung pareho kayo na may singaw sa bibig. Hindi ka rin mahahawaan sa paggamit ng toothbrush, damit, o kung ano mang bagay ng biktima. Eiww ngalang yung toothbrush. Hehehe... Then the hard part, ang mga questionaire katulad ng naabuso ka na ba ng sekswal o adik ka ba at nakipag sharing ng needle. Ilan ang naging partner mo, atbp. Dapat maging totoo ka dito kasi confidential naman ang lahat ng impormasyon. One on one naman ang usapan. Ang pang tapos sa counseling ay ihanda ka sa anuman ang magiging resulta ng test. Na sila ay tumutulong sa mga biktima ng HIV o AIDS victim.

Ang ending ay kinuhaan ako ng blood sample na 30cc. About 2 weeks bago lumabas ang resulta pero kung sa kanila palang ay walang makita na HIV ay mai-inform agad ang kliyente at kung hindi naman ay dadalhin sa Manila yung blood sample para i-double check.

For more info and counselling, call (033) 321-0552.

Name:  c10.jpg
Views: 281
Size:  14.4 KB
Iloilo City Health Office
Social Hygiene Clinic
Tanza, Iloilo City
Landline No. (033) 3208151 Mobile No: 09215694450


The venereal disease research laboratory (VDRL) test is designed to assess whether or not you have syphilis, a sexually transmitted infection. Instead of testing for the bacteria that causes syphilis, the VDRL test checks for antibodies to this bacteria. Your immune system produces a specific kind of antibody (a type of protein) when it defends your body from syphilis. Testing for this antibody can let your doctors know whether you have syphilis.

My Experience:
Again kailangan sa work requirements. Walang VDRL test sa WVMC kaya pumunta ako sa Social Hygiene Clinic ng Iloilo. Malapit lang naman ito sa WVMC, 9piso ay nandun na ako. Medyo nagulat ako kasi medyo may pila at ako lang yung boy doon, lahat sila girl na Commercial Sex Workers. Kailangan nila ng pink card, pag wala daw ay hinuhuli at pinapatulog sa kulungan sabi ng naka-kwentuhan ko habang nakapila kami. Dyahe nga eh, the torn among flowers. Hehehe... After few minutes at kaunting interview ay kinuhaan ako ng 30cc na blood sample. Naku, kaliwa't-kanan na kamay ko ang may cotton buds. Sabi ng nurse attendant sa akin ay meron din silang HIV Test kaya lang may schedule para sa orientation. Sana doon nalang ako pumunta para kaunting hassle at hindi masayang yung 30cc na blood ko. Pero yun nga, may kaunting privacy sa HACT kasi merong room talaga para sa HIV test lang.


2 weeks later ay ito ang nakuha ko na result.
Click image for larger version. 

Name:	c7.jpg 
Views:	337 
Size:	10.3 KB 
ID:	544Click image for larger version. 

Name:	c8.jpg 
Views:	318 
Size:	9.4 KB 
ID:	545
Kinda exciting na may kaunting takot sa pagbukas ng HIV test result. Hindi kasi nila ito sinasabi by phone or text, dapat yung client talaga yung magbubukas.

Payment:
For HIV Test: Free kung para sa personal lang na gamit at code name ang gagamitin. Sa trabaho naman ay 450pesos, pangalan mo na ang ilalagay sa result papers.

VDRL Test: Free.

Tips
1. Bring water. Natuyo kasi ang lalamunan ko after kunan ng 30cc na blood sample. Hehehe... Take note, 60cc ang nakuha sa akin.
2. Be there early. Mas maganda kung tatawag ka muna for appointment.
3. Tight schedule? Ang Iloilo Hygiene Clinic ay may HIV/VDRL test kaya hindi ka na paulit-ulit ang pagkuha ng blood samples.

Submit "My HIV and VDRL test Experience" to Facebook Submit "My HIV and VDRL test Experience" to Twitter Submit "My HIV and VDRL test Experience" to Google Submit "My HIV and VDRL test Experience" to Digg Submit "My HIV and VDRL test Experience" to del.icio.us Submit "My HIV and VDRL test Experience" to StumbleUpon

Tags: None Add / Edit Tags
Categories
Uncategorized

Comments